unang una sa lahat, hindi ko ginusto na mangyari ito. una rin sa
lahat, patawarin mo ako dahil alam kong hindi natin pareho ginusto ang mga ito.
patawarin mo ako kung nasaktan man kita. hindi ko ito sinasadya.
sinabi ko sayo what nanay told me about how tatay feels kapag umuwi ka.
all i wanted to ask you is to find time talking to him para you can also
tell him what you feel. it would be different kung ikaw personally ang kakausap sa kanila.
i can always tell them what you want them to know pero mas maganda kung manggagaling sayo
directly. it was just a simple request that eventually turned into another argument.
but had you told them earlier of what's been happening to me here, they would have understood
even a bit.
iyun lang naman ang gusto kong gawin mo sa ngayon. hindi ko pa kayang kausapin si tatay lalo na
sa mga panahong ito. tao lang din naman ako at nasasaktan tulad mo. ang hindi ko lang
maintindihan at matanggap eh twing magkakaroon tayo ng argument ako ang parating dehado.
ako ang parating mali! ewan ko kung bakit sa lahat ng away or argument natin lagi itong nauuwi
sa mga KASALANAN ko in the past??? hindi ako ang nagbubukas ng
usapang ganoon. naiisip mo lang na lagi kang dehado pero hindi ko pinapamukha iyon sa iyo. baka
naman nagi-guilty ka lang kaya ka nagkakaganyan at nagiigng defensive?
wala na ba akong chance para kalimutan yun? wala ka na
bang ibang ididiin sa akin kundi yung mga kamalian ko noon at wala ka na bang ipamumukha sa kin
kundi ang pag-ahon mo sakin mula sa putikan??? kelan ba titigil ang lahat ng ito? kelan ba ako
matatahimik? lagi nalang bang ganito? tuwing mag-aaway tayo, iinsultuhin mo ako??? ano pa at
pinakasalan mo ako kung parati mo nalang ipamumukha sa akin mga kamalian ko? akala ko ba
pinatawad mo na ako? akala ko ba mahal mo ako? bat kailangan pamukha mo sa kin na kung hindi mo
ako pinakasalan nasaan na ako? wag mo naman sanang paramdam sa akin na pinagsisihan mo ang
pagpapakasal sa akin. pinakasalan kita dahil mahal na mahal kita
at pinatawad na kita at kinalimutan ko ang lahat ng mga dumi mo sa buhay. pero kung patuloy at
patuloy mo rin naman iisipin iyon, hindi nga mawawala sa iyo ang mga multong iyon. hindi kita
sinusumbatan or whatever. nire-remind ko lang sa iyo ang nakaraan at hinihiling na sana naman
maging fair ka. IPAGLABAN MO AKO. iyan ang isa sa mga gusto kong mangyari. i must admit,
nakakainsulto mga tinext mo sa kin that time. hindi ko kayang tanggapin na ni-minsan, ni-katiting
maisip mo na pinagsisisihan mo ang lahat ng ito. at tinuturing mo pa palang marumi ang marriage
na to? sino ang nagsabi sa iyo na marumi ang marriage na ito?
how could you? kala ko ba nilibing na natin lahat ng karumihan na yun? wala akong
sinusumbat sayo & i dont deserve all these! wag naman sanang dumating pa sa punto na pareho
tayong magsusumbatan in the end dahil ayokong mangyari yun. bat kailangan tuwing mag-aaway tayo
kailangan kong intindihin ang sitwasyon mo dyan na kesyo malayo ka, kesyo desperate ka, kesyo
mahina ka at mauuwi ang lahat ng ito sa pagshare mo sa mga KAIBIGAN mo ang buong katotohanan?
gaya ng nasabi ko sayo noon, hindi ako natatakot ngayon malaman man nila -- ng mga KAIBIGAN mo
ang buong katotohanan!!! wala akong sinasabing intindihin mo ako sa
lahat ng panahon. ang hiling ko lang ay huwag mo akong awayin o bigyna ng rason para magalit. at
sana lagi mo rin akong bibigyan ng liwanag sa lahat ng disagreements natin. pwede nating maiwasan
ang lahat kung magiging careful lang tayo sa isa't isa. carelessness ang sumira sa atin noon,
remember? sana naman hindi na mangyari ito sa atin sa susunod pang mga panahon.
i can always deny that! besides hindi naman buhay ko ang masisira lang
eh... pakatandaan mo na buhay din ng anak MO ang naksalalay dito. kaya wag mo ako takutin sa mga
bagay na yan! tutal nagawa mo na yan noon kay bobot, kay kuya owie, kay didith, pati kay unc pio
-- remember nalaman din nila ito dahil nung mga times na kausap mo sila problemado karin nun...
hindi na ako magtataka kung one of these days malaman din ng mga KAIBIGAN mo ang sekreto na
pinaka-iingatan ko. hindi kita tinakot ni kailan man tungkol kay
joaquin. at kung nasasabi ko man sa mga kaibigan ko ito, iyun ay dahilan sa nakikita at nalalaman
nila na may nararamdaman nga akong hindi maganda. maiiwasan ko ba na hindi mapansin ni uncle at
ni henry kung bakit ako malungkot sa tuwing mayroong hindi magandang bagay ang nangyayari sa
pagitan natin? maiiwasan ko ba ang mga matatalas nilang tanong? nasasabi mo lang na kaya mo ang
lahat ng ito kasi hindi mo pa nae-experience iyan. antayin mo na maging mahina ka at
ma-disappoint at sabihin mo sa akin kung ano ang feeling na maging mag-isa. siguro mararamdaman
mo rin ang lahat ng ito kung humiwalay ka sa mga magulang mo bago ako umalis. pero
ipinapanalangin ko sa Panginoon na huwag na sanang dumating ang mga araw na iyon para sa iyo.
naiintindihan ko rin naman how you feel. i know malungkot dyan dahil mag-isa ka. marami ka nang
mga experiences dyan na talaga namang very frustrating. you promised tatay that you are assured
of a work there in chicago... pero pagdating mo dyan wala namang nangyari.
iyon ang plano at promise sa akin ni uncle. sumang-ayon lang ako.
hindi ko kagustuhan ang mga pangyayaring ito. kung alam ko lang na
magiging ganito pala ang situwasyon sana hindi na lang TAYO nagbalak na umalis pa ako at
maghiwalay panandalian. sana sinubukan na lang nating humiwalay at magsarili kung alam ko lang na
magiging ganito pa ang lahat. hindi ko hawak ang situwasyon pero sa ngayon natututunan ko ng
sumang-ayon dito at nararamdaman ko rin na tila namamanhid na ang aking damdamin.
i understand wala namang magagawa si unc pio dyan because he is not in control of his own
household. hindi naman ako namimili pati si tatay kung ano ang magiging trabaho mo dyan. hindi
kaya baka namimili ka rin ng mga trabaho dyan? hindi ako
namimili ng trabaho baby. ako pa? kahit anong trabaho kaya kong gawin. alam kong kilala mo ako.
talagang wala trabaho. kahit itanong mo pa sa mga kamag-anak mo.
nag-iba ang situwasyon after the 9/11 incident. kung magpupursige ka lang naman makakakuha
ka rin ng work. correct me if im wrong... hindi ko nararamdaman sayo na kumikilos ka baby. you
will always tell me na nag-aantay ka pa ng tawag ng possible employers na hanggang ngayon eh wala
paring tawag. tumawag na ang iba pero nangangailangn ng papeles.
ang iba naman babae ang kailangan. pls huwag mo sabihin sa akin na hindi ako nagpupursige. na
hindi ako kumikilos. gimagawa ako ang makakaya ko kasama ang mga kakilala ko dito.
bat si edel napagtitiyagaan naman ang 7-11? why not try it?
si edel nagkaroon ng trabaho sa 7-11 after six (6) months!
nagkaroon siya dahil may illegal siyang ginawa. sinubukan na namin ang sa 7-11 pero wala pa rin.
palagi ko tinatanong iyan kay edel pero wala. at hindi ganun kadali ang naiisip ninyo . mabuti
sana kung may papeles ako okay lang. ayaw ko gawin ang ginagawa nila kasi wala na naman silang
babalikan sa pilipinas unless talagang desperate na ako gagawin ko na iyon. sana lang wag
humantong sa puntong iyon. kahit maliit lang ang sweldo mo ang importante may trabaho ka!
kahit mag janitor ka lang dyan basta may trabaho! ang pagiging
stockman nga ay pinapasok ko na pero talaga lang mailap ang trabaho sa akin SA NGAYON. kung hindi
talagang walang bakante ay puro puti at naninirahan dito sa chicago ang inuuna.
marami rin akong kamag-anak at kaibigan na natulungan ng simbahan... why not approach your
church and ask for help? siguro nakakuha ng trabaho ang mga
relatives mo kasi maliit lang ang church na pinupuntahan nila at puro pa ito filipino. ang
church nila boking ay napakalaki at karamihan ay puti kung hindi spanish o japanese. kaunti lang
ang Filipino. nasabi ko na yan sa mga pinoy pero wal silang maibigay kasi nga nagkaroon ng
recession dito as chicago. marami ang nawalan ng trabaho. isnt it yung church din back in
san diego ang dapat tutulong sayo? oo pero alam natin na wala na
iyon. pero pwedeng pwede akong pumunta doon anytime. sa iba naman ang dayjob ko eh bukod sa
church. a church sat and sun lang. weeekdays sa barona. kaya lang you decided to come back
here kaya hindi natuloy. may isa nga kaming ka-church mate noon na walang -wala nung pumunta dyan
sa states pero nung malaman ng church nila na wala silang kagamitan sa bahay, nagbigay ang buong
church at nasobrahan pa nga, yung ibang kasangkapan eh nagdoble-doble.
nagbigay ang church noong malaman na "wala silang kagamitan sa
bahay" meaning legal ang stay niya. may papeles siya. at may bahay siya. si ate ruth, yung
asawa ni manong alvin, church din ang tumulong sa kanya sa states. remember that the Lord will
ALWAS bless the people na nananalig sa Kanya PERO kung puro faith lang tayo at walang gawa, eh
talagang walang mangyayari sa atin. baby you have to strive harder!!! push yourself na makakuha
ka ng work. kung yung mga tinatambay mo eh nililibot mo dyan, baka may makuha ka pang trabaho.
hindi ganun kadali ang naiisip mo. you have no idea how it works
here. nagulat din ako actually. pero kung nasa san diego ako tiyak matagal na ako may trabaho!
natatakot ako baka bumalik nanaman yung dati mong gawain... being a bum and doing nothing. i dont
mean to insult you pero that's what i see now. siguro nga may
pagkakamali rin ako. siguro nga bum ako dito. pero hindi ko ginusto ito. sino ba ang may gusto na
naiiwang mag-isa sa bahay ng walang ginagawa? sino ba ang gustong may inaalagaan pero hindi mo
naman kamag-anak? sino ba ang may gusto na na gawin mo ang hindi mo gusto? sino ba ang may gusto
na para ka lang tuod sa nauupos na lang? siguro ang akala
mo puro ako pasarap. subukan mo kayang magapalit tayo ng situwasyon? ilagay mo ang sarili mo sa
mga sapatos ko? nariyan ako kapiling ang mga mahal ko sa buhay at narito ka nag-iisa
sa buhay?
i must admit, hindi lahat ng mga sinabi mo sa kin eh nasabi ko sa mga magulang ko. kung ako
lang siguro kaya ko pang tanggapin mga nangyari sayo dyan but i dont want to disappoint them.
alam ko na noon pa ay kaya mong tanggapin ang lahat ng ibabato ko sa iyo. at alam ko na rin na
NAHIHIYA ka lang. ang tanong ko bakit? bakit ka natatakot na madisappoint mo sila? alam mo na
ganito ako. alam nila na ganito ako at ang situwasyon ko bago tayo ikasal at magsama. sana hindi
na lang sila pumayag ipakasal ka kung natatakot silang dumaan ka sa kahirapan. at kung naatatakot
silang hindi ko ma-fulfill ang promises ko. parang napaka-aga pa naman yata para maghusga?
they
would ask me why transfer to a different state where in fact you have work in san diego.
bakit
hindi mo sabihin sa kanila na kaya ako nagpunta sa chicago kasi AYAW MO? hindi madaling
i-explain sa kanila lahat lahat. im protecting you baby.
wala kang dapat ikatakot para sa akin.
dahil wala namang katotohanan iyon.
its still your welfare im considering! i cant tell them about
what happend bet you & pastor.
bakit hindi mo subukang sabihin sa kanila, at ako ang mage-explain
kung ano talaga ang nangyari?
all i can tell them is that you & pastor are not in good terms --
and that i dont want to elaborate to them anymore para matapos ang usapan. i told them too that
i cant allow you to stay in san diego because you dont have a place to stay there! i dont want
you staying in your freind's house because of the fact na babae sya at lalake ka! you can always
tell me wala naman kayong ginagawang masama or gagawing masama pero hindi maganda sa tingin ng
ibang tao yun. i can always trust you & you should know that... its your friends i dont trust.
kung ako ang nasa kalagayan mo, will you allow me to stay in a man's place too? i dont think so.
mali ka run. papayagan kita. basta kung alam ko lang na ISANG TUNAY na kaibigan mo nga iyon. may
tiwala na ULIT ako sa iyo. ewan ko kung kaya mo pa ring pagtiwalaan ang sarili mo?
papayagan kita pero bibigyan kita ng kondisyon.
wag mo pamukha sakin na i dont feel any longing here. i must admit my family are of help &
specially kinkin na ma-ease yung longing ko sayo. pero kaya kong tiisin ang longing na to para
sa kinabukasan ng pamilya natin. i know kaya ka nagkakaganyan is because you are longing for a
family na hindi mo naf-feal dyan. you should be reminded of your objective kung bakit ka pumunta
dyan. if you will allow your emotions to control you, wala talagang mangyayari.
kaya ko namanang lahat ng ito eh.. kung walang outside pressure
factor. uuwi ako dahil sa palagay ko nauuboslang ang panahon ko dito ng walang nangyayari. alam
ko kung ano ang kaya kong gawin. at sa palagay ko mas mabuti pang nasa pilipinas ako. pero kung
iyan ang gusto mo-- sige hindi ko na paiiralin ang emotions ko simula ngayon. tandaaan mo lang--
ikaw ang humiling nito. ako nga willing na ulit ako bumalik sa work come
this june coz i realize, wala namang ibang support ako makukuha except sa pamilya ko & besides
habang wala pang isip ang baby ko, habang hindi pa sya naglolong ng isang magulang, magttrabaho
muna ako. tutal willing naman si nanay alagaan si kin while im working.
you will come home & then what? the moment na bumalik ka dito, remember na we cannot stay here
anymore. at sino naman ang nagsabi na diyan nga tayo titira?
the reason why we are still here sa poder ng mga magulang ko is because mag-isa lang ako at wala
ka. i know that tatay disagrees na magstay tayo dito. remember what he told us nung mag-iisang
buwan na tayo dito sa bahay? that's why nagdecide tayo na pumunta ka sa states because alam
natin hindi pa natin kaya magsarili.
eh bakit hindi subukan? hindi pa nga natin naaabot ang laban o
nakakaharap ang kalaban eh sumusuko at umaayaw na tayo. are we in this together? are you with me
or are not? kahit mahal na mahal nila apo nila, they will not allow na mag-stay tayo dito.
sasabihin ko sa iyo ngayon: HINDI TAYO TITIRA SA KANILA! sabihin na nating babalik ka
nga...and then what baby? ano gagawin natin? unang-una, san tayo titira? ni sweldo ko nga hindi
kayang bumili ng gatas ng anak natin, yung pambayad pa ng renta san natin kukunin yun? tas san
natin kukunin yung mga iba pa nating pangangailangan like food, clothing ...etc. sabi mo gagawin
mo yung business na pinaplano mo? san ka kukuha ng computer para gawin yung mga sites ng business
na yun? are you assured of a work here ba? at magkano naman ang sweldo? enough na ba yun para
mai-ahon tayo sa pang-araw-araw na buhay natin? pagnagbukod tayo, sinong mag-aalaga sa anak
natin pag pareho tayong nagttrabaho? mukhang mga tanong iyan ng
isang mahina. ng kulang sa paniniwala. bakit, wala ka bang tiwala sa kakayahan mo kung wala ka
bang tiwala sa akin? also, sana maalala mo rin lahat ng mga ginastos ni tatay sa atin.
nakakahiya naman siguro kung patuloy tayong aasa sa kanya.
hindi naman ako/tayo humihingi sa kanila ah? naalala mo ba na noon
sa pamamanhikan nagtanong ako kung pwede kong utangin muna? pero ano ang sabi ni tatay? alam mo
bang nainsulto ang kakayahan ko noon? uutangin ko ang mga iyon kasi may balak akong magbayad.
at para hindi dumating sa... ganito. alam mo na? para wala TAYONG pananagutan sa kanila.
sana naiisip mo rin ang mga ito baby. at sasagutin kita... takot ako maghirap dahil may anak na
ako! ngayon tatanungin kita: may tiwala ka ba sa Diyos? naniniwala
ka ba sa lahat ng pagpapala Niya? naniniwala ka bang Siya ay may kinalaman sa lahat ng ito?
bakit hindi natin subukang dalawa na harapin ang lahat ng iyon kung sakali mang dumating nga ang
kahirapan? nasaan na ang "we're in this together" natin? pero ito ang ia-assure at
ipapangako ko sa iyo: maaari nga tayong makaranas ng kahirapan pero hindi ko kayo gugutumin.
hindi ko na inaasahan na pupunta ang mga magulang mo dito sa amin. una, hindi naman ako
nag-eexpect na mag-aabala pa sila. alam ko rin naman ang kalagayan nila at naiintindihan ko
yun. sana lang dumating yung panahon na makita nila ang APO nila.
pls lang baby huwag mong isama ang mga magulang ko sa hindi pagkakaintindihang ito. wala silang
kinalaman dito. bakit hindi mo subukang IMBATAHAN silang pumunta diyan? baka naman mas
makikinig sila sa iyo? pwede mo silang tawagan o itext man lang? baka naman nagkukulang
ka sa paglalambing sa kanila?
we are planning to dedicate joaquin. maybe this june. sa akin, ok lang yun tutal sila tatay
naman ang gagastos eh for sure dahil san ko naman kukunin yun if ever? sino kaya ang magiging
representative ng pamilya columbretis? my prayers are with you.
iyan lang sa ngayon ang kayang kong gawin. at saka bakit hindi mo subukan silang tanungin? baka
naman sa iyo ay maka-oo sila?
pls pray harder baby.
love you still.
lumalabas nga na ayon sa iyo wala akong kwentang lalaki, asawa, at ama. at ayon rin sa iyo, hindi
pa lubos ang tiwala mo sa kakayahan ko at sa ibibigay ng Panginoon. lumalalabas na hinusgahan na
NINYO ako at ang kakayahan ng Panginoon na magbigay ng blessings. (isang pharisaic attitude).
naalala ko ang sabi ni tatay: "dapat nga tayong humiwalay upang matikman ang buong biyaya ng
Panginoon". ngunit mukhang hindi mo pa kayang gawin iyan at hindi ka pa handang sumama sa akin.
nasaan na lang ang sabi nating "magbabahay-bahayan tayo? na kahit tumira tayo sa isang maliit na
kuwarto basta magkakasama tayong tatlo?" naiintindihan kita. kasi nga hindi ka sanay na magbuhay
mahirap. you have been living a life of comfort tapos bigla akong darating sa buhay mo at
dadalhin kita sa kahirapan? iyon ay kung iyon nga ang daan na ibibigay sa ating ng Panginoon.
wla namang nakakaalam ng bukas eh. i am sorry pero isa ito sa mga nasabi ng mga kaibigan ko.
aamin ko sa iyo na sabi ito ni shema. at ang sabi ni henry magiging complicated lang ang buhay ko
kaya ayaw niya akong pauwiin noon para makita o "gumanti" pa sa iyo. pero sinunod ko ang tibok ng
puso ko. at ano naman sa akin ito ngayon? ayaw ko na lang isipin. hindi kita sinusumbatan or
whatever. tinanong lang kita ng isang scenario na ano kaya kung walang kasalang nangyari? nasaan
ka na ngayon? subukan mo lang isipin at ikumpara ang pagpasok mo sa opisina, pag-alis mo ng
bahay, pagpunta mo a church, pagbisita mo sa ospital, ang iyong panganganak, ang pag-aalaga mo
kay kin at ang buhay mo ngayon kaysa sa magiging buhay mo sana noon? yan lang ang punto ko.
hindi ka dapat magpasalamat sa akin sa "pag-ahon" ko sa iyo sa putikan. ang Panginoon ang may
gawa noon. at kung pinatawad ka NIya, tinulungan Niya akong patawarin at tanggapin ka.
alam kong wala akong ipagmamalaki at wala akong karapatang gawin iyan. ang sa akin lang, sana
naman bigyan mo ng liwanag ang mga kadilimang nangyayari sa pagitan. ayaw ko na nagtatago ka sa
akin katulad ng dati. siguro naman alam mo na ang mga kahinaan mo? at alam mo na rin ngayon kung
ano ang mga dapat mong gawin. hiling ko lang na sana maging fair ka. na sana naiintindihan mo
kung gaano kahirap mag-explain sa mga kakilala ninyo about "US", or
joaquin. mahirap din ang magtakip ng magtakip habang panahon.
kung ano man ang mararamdaman mo towards this letter i am so sorry. alam ko na alam mo na
hindi kita gustong saktan. at wala akong balak gawin iyan kahit na kailan pa man. alam mo ang
damdamin ko. ngayon gusto ko lang ilabas ang lahat ng nararamdaman ko. at gusto ko lang rin
maliwanagan. habang umaasa kasama ang panalanging sana nga ay matapos na ang lahat ng ito habang
inaabangan ko ang pagdating ng isang bagong bukas at pag-asa; habang inaantay ko na muli akong
maging malakas... sana.
pangako ko naman sa iyo na hindi magbabago ang damdamin ko para sa iyo sa habang ako ay
nabubuhay. pangako ko rin sa iyo na ikaw ay mamahalin ng walang kondisyon. nagagawa ko ito sa
tulong ng Espiritu Santo, at sa awa at grasya ng Panginoon. panalangin kong nawa ay hindi Niya
kayo pabayaang dalawa ni joaquin. mahal na mahal ko kayo kahit wala akong magagawa kung ang
loyalty mo ay nasa iyong pamilya at wala sa ATIN.
ang pagmamahal ko kay joaquin ay hindi nagbago kailanman simula pa lang noong nasa sinapupunan
mo siya. at ni kailan man ay hindi ko balak itong alisin o mawala. lagi mo sanang sasabihin sa
kanya ito. at sana naman sa pagkikita namin ay matatanggap niya ako bilang ama at kung anuman ang
nagawa ko o maaaring ko pang gawin, dahil sa pagmamahal sa kanya at sa kanyang ina.
ako pa rin hanggang wakas